Tampok sa Greece ang pagtataguyod sa konsepto ng demokrasya. Naniniwala ang mga griyego sa taglay na kakayahan ng tao. Itinuturing na ganap o direkta ang demokrasya sa Athens ngunit limitado sa mga kalalakihan ang pagiging isang mamamayan. Nakita sa nagging kasaysayan nila ang konsepto ng pagiging isang mamamayan. Ang “mamamayan” ay hindi lamang tumutukoy sa isang taong naninirahan sa isang lugar, bagkus, isang taong my karapatan at responsibilidad sa lipunan. Siya ay maalam sa mga pangyayari sa lipunan at nakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang mamamayan ay sangkot sa pagpili ng mga pinuno, paggawa ng batas, pagpapasya at pagpapatupad ng batas, at pagtatanggol sa lungsod-estado. Winika ni Pericles sa talumpati sa pagsisimula ng Pelopponesian War na:
“An gating Konstitusyon ay tinatawag na demokrasya dahil sa iilang tao lamang. . . Hindi ito usapin kung saan kabilang na antas ng lipunan ang mamamayan, bagkus, ang aktwal na kakayahan ng isang tao ang siyang mahalaga.”
Salamat sa karagdagang impormasyon,madame akong natotonan sa sinulat mo.Sakit.info
ReplyDeleteSalamat sa pagbabahagi ng iyong kaalaman, makatutulong ito sa akin sa masusing pagtalakay sa mga akdang pampanitikan ng Gresya.
ReplyDeleteHelp di ko Alam anong gagawin ko
ReplyDeleteTy
ReplyDelete