Naniniwala ang mga Griyego na bahagi ng pagkilala sa kakayahan ng tao ang paglinang ng mga kaisipan upang malaman ang mga kasagutan sa mga pangyayari sa mundo. Gamit ang kakayahang makapag-isip at mangatwiran, pinagtutuunan nya ng pansin ang pagsusuri sa mundong ginagalawan upang maipaliwanag ang iba’t ibang phenomenon. Kabilang din sa pag-aaral ang kalikasan ng tao at ang pagkilos ng lipunan. Ang kalipunan ng mga pag-aaral na ito ay tinatawag na pilosopiya, hang sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “Pagmamahal sa Karunungan.”
Napakahusay! Bagaman maikli ngunit makabuluhan at may lubos na kalinawan sa pagpapaliwanag ng pilosopiyang Griyego, Napakalaking tulong ang mga kaalamang ito sa akin sapagkat bago pa lamang ako sa pagtuturo sa Filipino Grade10. Panitkang Pandaigdig ang tuon ng aming mga aralin. Karamihan ay Pantikang Gresya
ReplyDelete