SOCRATES
Pangunahing pilosopo ng Greece si Socrates na nanirahan sa Athens. Naniniwal siyang mahalaga sa isang taong kilalaning mabuti ang sarili upang Makita ang saysay ng buhay. Upang matamo ang mga kasagutan tungkol sa sarili at lipunan, kailangang suriin ito sa pamamagitan ng masusing pagtatanong. Marami ang nahikayat niya at naging tagsunod dahil narin sa kanyang angking karunungan. Hindi siya tumatanggap ng salapi bilang kabayaran. Nag-alala an gang ilang maykapangyarihan sa Athens sa pangambang isang mapanganib na kaisipan ang itinuturo ni Socrates, lalo na sa mga kabataan. Hinatulan siyang mamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, patuloy siyang nakipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Si Plato, ang isa sa kanyang mga tagasunod, ang nagtala ng mga aral ni Socrates dahil wala siyang naisulat na aral.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
What really?
ReplyDelete