Kinikilala ang kahusayan ng mga Griyego sa larangan ng panitikan na kanilang nalinang bilang paraan ng paglalahad ng mga karanasan at pagpapahalaga ng mga tao. Nakabuo sila ng iba’t ibang anyo ng letiratura na itinuturing na klasikal dahil sa mga temang waring di kumukupas at ang istilo ay naging pamantayan ng ibang manunulat. Panugnahin ditto ang dalawang epikong pinamagatang Iliad at Odyssey. Umiinog ito sa digmaang namagitan sa Troy at Mycenae. Isinulat ang mga ito ni Homer makalipas ang 500 na taon pagkatapos ng digmaan. Inilahad ng Iliad ang mga pangyayari sa digmaan at naipakilala ang kahusayan ng mga mandirigmang tulad nina Achilles ng Greece at Hector ng Troy.
Ang mga pakikipagsapalaran ng haring Griyego na si Odysseus habang pauwi na siya mula sa pakikipaglaban sa mga Trojan ang siyang paksa naman ng Odyssey. Malaki ang naging impluwensya ng tema at istilo ng mga epikong ito sa mga sumusunod na panitikang Griyego. Ipinakilala rin ang mga diyos at diyosang may katangiang tao. Ang ilang bahagi ng tulang epiko ay ginamit ng mga historian bilang dokumentong pangkasaysayan bagama’t ang mga ito’y mga kathang-isip lamang.
Nahilig ang mga Griyego sa pagsusulat at pagtatanghal ng mga drama. Ang drama ay dalawang uri: ang trahedya at ang komedya. Ipinakikita ng trahedya ang paghihirap ng isang tauhan at ang paniniwala ng mga Griyego na kailangang maging matatag ang mga tao sa pagharap ng kanilang kapalaran. Kilala sa larangang ito sina:
- Aeschylus na my akda ng Prometheus Bound
- Sophocles (Antigone at Oedipus the King)
- Ueripides( Media at The Trojan Women)
Ang komedya naman ay patungkol sa mga nakakatawang pagtatanghal. Si Aristophanes ang kinilala bilang maestro ng komedya. Binibigyang-pansin ng mga akda niya ang mga niyang Archarnians, Peace, at Lysistrata na pare-parehong Wasps ay satirikong pagtuligsa sa pamamaraan sa sistemang hudisyal ng Athens. Karaniwang gumagamit ang mga manunulat ng komedya ng mga tauhan sa kasaysayan, diyos, hayop, at nakatatawang halimaw upang maiparating ang kanyang kaisipan at mensahe.
Yung ambag ng Greece sa panitikan
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletesino po ung mga....
ReplyDelete