Athena and Zeus Statue |
Nasaksihan ng mga Griyego ang pagiging perpekto ng kalikasan at tinangka nilang ipakita ang balance, kaayusan, proporsyon, at kahinahunan sa kanilang mga obra. Mainam na halimbawa ng arkitektura ang Parthenon. Ito ay isang temple ng ginawa sa panahon ni Pericles bilang pagbibigay-pugay sa diyosang si Athena. Makikita sa loob ng templong ito ang malaking estatwa ni Athena na ginawa naman ni Phidias.
Karaniwang ginagawang modelo ang tao sa mga pagpipinta at paglililok. Binibigyang-halaga sa mga obra ang perpekto o ang ideyal na kaanyuan ng mga ito. Mukhang totoo at detalyado ang mga kaanyuan ng mga tao sa mga pagpipinta o paglililok na ginhawa.
No comments:
Post a Comment