Ambag ng Kabihasnang Griyego


Tampok sa Greece ang pagtataguyod sa konsepto ng demokrasya. Naniniwala ang mga griyego sa taglay na kakayahan ng tao. Itinuturing na ganap o direkta ang demokrasya sa Athens ngunit limitado sa mga kalalakihan ang pagiging isang mamamayan. Nakita sa nagging kasaysayan nila ang konsepto ng pagiging isang mamamayan. Ang “mamamayan” ay hindi lamang tumutukoy sa isang taong naninirahan sa isang lugar, bagkus, isang taong my karapatan at responsibilidad sa lipunan. Siya ay maalam sa mga pangyayari sa lipunan at nakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang mamamayan ay sangkot sa pagpili ng mga pinuno, paggawa ng batas, pagpapasya at pagpapatupad ng batas, at pagtatanggol sa lungsod-estado. Winika ni Pericles sa talumpati sa pagsisimula ng Pelopponesian War na:
“An gating Konstitusyon ay tinatawag na demokrasya dahil sa iilang tao lamang. . . Hindi ito usapin kung saan kabilang na antas ng lipunan ang mamamayan, bagkus, ang aktwal na kakayahan ng isang tao ang siyang mahalaga.”

4

PILOSOPIYA


Naniniwala ang mga Griyego na bahagi ng pagkilala sa kakayahan ng tao ang paglinang ng mga kaisipan upang malaman ang mga kasagutan sa mga pangyayari sa mundo. Gamit ang kakayahang makapag-isip at mangatwiran, pinagtutuunan nya ng pansin ang pagsusuri sa mundong ginagalawan upang maipaliwanag ang iba’t ibang phenomenon. Kabilang din sa pag-aaral ang kalikasan ng tao at ang pagkilos ng lipunan. Ang kalipunan ng mga pag-aaral na ito ay tinatawag na pilosopiya, hang sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “Pagmamahal sa Karunungan.”

1

SOCRATES

Pangunahing pilosopo ng Greece si Socrates na nanirahan sa Athens. Naniniwal siyang mahalaga sa isang taong kilalaning mabuti ang sarili upang Makita ang saysay ng buhay. Upang matamo ang mga kasagutan tungkol sa sarili at lipunan, kailangang suriin ito sa pamamagitan ng masusing pagtatanong. Marami ang nahikayat niya at naging tagsunod dahil narin sa kanyang angking karunungan. Hindi siya tumatanggap ng salapi bilang kabayaran. Nag-alala an gang ilang maykapangyarihan sa Athens sa pangambang isang mapanganib na kaisipan ang itinuturo ni Socrates, lalo na sa mga kabataan. Hinatulan siyang mamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, patuloy siyang nakipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Si Plato, ang isa sa kanyang mga tagasunod, ang nagtala ng mga aral ni Socrates dahil wala siyang naisulat na aral.
1

PLATO

Si plato ay kaibigan at mag-aaral ni Socrates na nagpatuloy ng mga kaisipan ng kanyang guro. Itinatag niya ang isang paaralang kung tawagin ay Academy. Nagturo siya rito ng matematika at pilosopiya. Isinulat niya ang The Republic na naglalarawan ng kanyang mga kaisipan sa isang mainam na pamahalaan at estado. Naniniwala siyang ang isang lipunan ay dapat pamunuan ng panakamaalam at pinakamatalinong tao at hindi ng pinakamayaman, makapangyarihan, o sikat.

3

ARISTOTLE


Sa tatlong polosopo, si Aristotle ang kinikilalang nagtataglay ng iba’t ibang talento. Mag-aaral siya ni Plato at nakapagtatag din ng sariling paaralan sa Athens na tinatawag na Lyceum.  Isinulat niya ang mga kaalaman sa larangan ng etika, sining, agham, panitikan, at pulitika. Kinilala rin siya bilang tagapagsimula ng lohika, ang agham ng pangangatwiran. Dito, ang mga pangungusap ay sinusuri at inaayos upang makabuo ng mga tamang
2

PANITIKAN


Kinikilala ang kahusayan ng mga Griyego sa larangan ng panitikan na kanilang nalinang bilang paraan ng paglalahad ng mga karanasan at pagpapahalaga ng mga tao. Nakabuo sila ng iba’t ibang anyo ng letiratura na itinuturing na klasikal dahil sa mga temang waring di kumukupas at ang istilo ay naging pamantayan ng ibang manunulat. Panugnahin ditto ang dalawang epikong pinamagatang Iliad at Odyssey. Umiinog ito sa digmaang namagitan sa Troy at Mycenae. Isinulat ang mga ito ni Homer makalipas ang 500 na taon pagkatapos ng digmaan. Inilahad ng Iliad  ang mga pangyayari sa digmaan at naipakilala ang kahusayan ng mga mandirigmang tulad nina Achilles ng Greece at Hector ng Troy.

Ang mga pakikipagsapalaran ng haring Griyego na si Odysseus habang pauwi na siya mula sa pakikipaglaban sa mga Trojan ang siyang paksa naman ng Odyssey. Malaki ang naging impluwensya ng tema at istilo ng mga epikong ito sa mga sumusunod na panitikang Griyego. Ipinakilala rin ang mga diyos at diyosang may katangiang tao. Ang ilang bahagi ng tulang epiko ay ginamit ng mga historian bilang dokumentong pangkasaysayan bagama’t ang mga ito’y mga kathang-isip lamang.

Nahilig ang mga Griyego sa pagsusulat at pagtatanghal ng mga drama. Ang drama ay dalawang uri: ang trahedya at ang komedya. Ipinakikita ng trahedya ang paghihirap ng isang tauhan at ang paniniwala ng mga Griyego na kailangang maging matatag ang mga tao sa pagharap ng kanilang kapalaran. Kilala sa larangang ito sina:

  1. Aeschylus na my akda ng Prometheus Bound
  2. Sophocles (Antigone at Oedipus the King)
  3. Ueripides( Media at The Trojan Women)

Ang komedya naman ay patungkol sa mga nakakatawang pagtatanghal. Si Aristophanes ang kinilala bilang maestro ng komedya. Binibigyang-pansin ng mga akda niya ang mga niyang Archarnians, Peace, at Lysistrata na pare-parehong Wasps ay satirikong pagtuligsa sa pamamaraan sa sistemang hudisyal ng Athens. Karaniwang gumagamit ang mga manunulat ng komedya ng mga tauhan sa kasaysayan, diyos, hayop, at nakatatawang halimaw upang maiparating ang kanyang kaisipan at mensahe.

3

SINING

Athena and Zeus Statue


Nasaksihan ng mga Griyego ang pagiging perpekto ng kalikasan at tinangka nilang ipakita ang balance, kaayusan, proporsyon, at kahinahunan sa kanilang mga obra. Mainam na halimbawa ng arkitektura ang Parthenon. Ito ay isang temple ng ginawa sa panahon ni Pericles bilang pagbibigay-pugay sa diyosang si Athena. Makikita sa loob ng templong ito ang malaking estatwa ni Athena na ginawa naman ni Phidias.
Karaniwang ginagawang modelo ang tao sa mga pagpipinta at paglililok. Binibigyang-halaga sa mga obra ang perpekto o ang ideyal na kaanyuan ng mga ito. Mukhang totoo at detalyado ang mga kaanyuan ng mga tao sa mga pagpipinta o paglililok na ginhawa.

0

IBA PANG LARANGAN KUNG SAAN KILALA ANG GREECE


Sa larangan ng relihiyon, naniniwala ang mga sinaunang nagtataglay ng mga katangiang tao. Ang pinakamataas sa kanila ay si Zeus na asawa ni Hera at naninirahan sila sa Mount Olympus. Ang ilan pa sa kanilang mga diyos ay sina Poseidon(diyos ng karagatan), Athena(Diyosa ng karunungan), Aphrodite(diyosa ng kagandahan), at Apollo(diyos ng araw, awit, at paggagamot) at iba pa. Pinaniniwalaan ng mga Griyego na ang masalimuot na buhay ng mga tao ay bunga na rin ng pagiging hindi perpekto ng mga diyos. Sinasalamin ng mga tao ang uri ng mga diyos at diyosang hindi rin perpekto. Ang mga kuwentong tungkol sa diyos/diyosa ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon at nang lumaon ay naging bahagi nang mitolohiya ng mga Griyego. Ipinakita ng mga mito at maging ng mga tula’t epiko na marahil ay may diyos na nakialam sa mga sitwasyon kapag may nangyaring kakaiba at hindi kayang ipaliwanag ng mga tao. Sa larangan ng medisina, pinag-aralang mabui ng mga Griyego ang tunay na dahilan ng karamdaman ng tao at ang pagtakwil sa tao na sanhi ng maraming pinsala sa katawan.

0